PANITIKAN NG PRANSYA



PANITIKAN NG PRANSYA


 
                A ng blog na ito ay maghahayag tungkol sa panitikan ng Pransya, na hanggang ngayon ay kanila pading iniingatan at pina pahalagahan. Ngunit atin muna  itong simulan sa kung ano ba ang meron sa Pransya.



                 Pransya, ang Pransya ay isa sa mga malalayang bansa na ating makikita sa kanluran ng kontinenteng Europa. Ang Pransya ay pangatalo sa pinakamalaking bansa sa Kanlurang Europe at European Union. Ang kapitolyo ng Pransya ay ang Paris, ang pinaka malaking lungsod ng bansa at sentro ito ng kultura at komersyo. 



                            Ang Pransya ay isang bansang may mayamang panitikan, katulad ng iba pang bansa sa Meditteranean. Ang mayamang panitikan ng Pransya ay isa sa mga nagsilbing kanlungan ng kanilang mga sinaunang kaugalian at tradisyon, malaki din ang ambag nito sa kanilang kultura.
   
     

                      
 Para sa karagdagan, alam nyo ba na noong unang panahon, ang naging katawagan sa bansang Pransya ay Rhineland. Ngunit hindi lamang iyon sapagkat pagdating ng Iron Age at Roman Era tinawag naman ito bilang Gaul. Ibig sabihin lamang niyn ay nagkaroon ng dalawang pangalan ang Pransya bago pa ito tawaging Pransya. 

                    Isa sa mga kilalang mga mannunulat sa Pransya ay si Paul Valery. Si Paul Valery ay ipinanganak sa taon na 1871 at siya ay namatay noong 1945. Kaya siya nakilala dahil sa kanyang mga natatanging gawa na may malaking ambag sa panitikan ng mga Pransya. Si Valery ay isang sikat na manunulat ng mga tula, hindi lalagpas sa isang daan mahigit ang kanyang mga obra. Ngunit hindi agad tumapok ang mga ito sa madla, samantala isang gabing masama ang panahon ay naisipan nyang magsulat ng isang obra at doon tumaas at nag sunod sunod na ang kanyang kasikatan. Dahil sa kanyang kagalingan minsan ay binabansagan siya bilang simbolo ng Pransya.







       





Roman de la Rose

                 
                          Ito ay isang medyebal na tula ng Pranses na naka istilu bilang isang alegulang pangarap. Ito ay isang kilalang halimbawa ng panitikan ng Pranses. Ang nakatalang layunin ng gawain ay ang parehong kalugod- lugod at turuan ang iba tungkol sa sining ng romantikong pagmamahal. Sa buong tula, ginamit ni Rose ( Ang sumulat ng popular ng panitikan na ito ) ang parehong bilang ng pangalan ng titular na babae at bilang isang simbolo ng babaeng sekswalidad.  


        Ang tula na ito ay isa sa madaming  kilalang tula na galing sa Pransya. Itong tula na ito ay isinulatt ng dalawang yugto. Ang unang yugto nito ay naglalaman ng 4, 058 na linya na isinulat ni Guillaume de Lorris circa 1230. Sa kabilang banda ang sumunod na yugto ay naglalaman naman ng halos 17, 724, dahil sa napakalaking mga linya na ito ay mas natutukan dito ang pagsasalaysay tungkol sa pag- ibig.


             Pranses alegoriko panitikan sa    ika-13 na siglo. Binubuo ito ng dalawang bahagi, bawat istilu ay may ibat- ibang istilo at ispirito. 

       
     





   
               Bilang pagtatapos nitong aking ipinapahayag ay masasabi ko lamang na talaga namang napakayaman ng panitikan ng mga taga Pransya. Hindi lamang ang Pransya, sapagkat halos lahat ng panitikan at kultura ng bawat bansa at mahalaga at dapat respituhin. Ito ay mahalaga sa kadahilanang ito ay kanilang prinotektahan at inalagaan sa haba ng panahon at hanggang ngayon ay kanila pading tinatangkilik at pinag- aaralan.

                                 
             Isa pa sa mga panitikan na pinapahalagahan ng Pransya ay ang kanilang mga Nobela.


            Ang nobelang isinulat ni Victor Hugo na “Ang Kuba ng Notre Dame.” ay isa sa mga halimbawa ng nobelang akda mula sa France(isang panitikang Mediterranean). Ang pamagat ay tumutukoy sa Katedral ng Notre Dame sa Paris, kung saan ang kwento ay nakasentro. Ito ay isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo. Ang nobelang ito ay naiiba ang nobela mula sa iba pang uri ng akdang pampanitikan sa pagkilala sa kultura at kaugalian ng isang bansa. Makikita mo bilang isang mambabasa ang magandang mukha ng France sa kanilang panitikan mula sa akdang ito. Ito ay tungkol sa isang kubang nagngangalang Quasimodo – ang kuba ng Notre Dame na itinanghal bilang “Papa ng Kahangalan” dahil sa taglay niyang labis na kapangitan.


KASAYSAYAN NG PRANSYA



                             Ang Republika ng Pranses o Pransiya ay isa sa malalayang bansa na ating makikita sa kanlurang bahagi  ng kontinental ng  Europa. Ito ay pangatlo sa pinakamalalaking bansa sa Europa at sa European Union.  Ang kabisera nito ay Paris.  Ang pangalang Pransiya ay hinango sa salitang Latin na 'Francia' na nangangahulugang 'Lupain ng mga Prangko'. 
Noong unang panahon, 'Rhineland' ang tawag sa bansang Pransiya. Pag dating ng Iron Age at Roman Era, tinawag naman itong 'Gaul'. 


                         Taong 1774 nang maupo sa trono ng Pransiya si Haring Louis XVI. Minana niya ang isang kaharian na pinapatakbo ng makalumang patakaran.  Nagkaroon noon ng ibat ibang antas. Ang 'First State' ay binubuo ng mga pari na namamahala sa buhay pulitika at panlipunan ng kanilang bansa. Ang mga pari ang nagmamay-ari ng ikalimang bahagdan ng buong lupain ng Pransiya. Sila rin ay nagkaroon ng karapatan na mangolekta ng buwis sa mga magsasaka. Sa pangalawang antas naroroon ang mga maharlika.  Sila ang namumuno sa kanilang mga lupain. Habang ang iba ay namumuhay sa kahirapat at kasalatan, sila naman ay namumuhay sa kasaganahan at luho. Ang ikatlong antas ay ang mga simpleng tao, na siyang pinakamarami sa populasyon ng kanilang bansa noon.  Binubuo ito ng mga magsasaka, mangangalakal, manggagawa at mga propesyunal. Damang dama ng pangkat na ito ang kawalan ng katarungan.   Nagkaroon ng pagpupulong noon kasama ang mga kinatawan ng tatlong antas tungkol sa magiging pondo ng kanilang bansa. Iminungkahi ng ikatlong antas na sila ang mamumuno sa pagpupulong upang magkaroon ng pantay pantay na bahagi sa pondo na kanilang matatanggap subalit, hindi pumayag ang una at ikalawang antas.  


                   Malawak ang naging kaguluhan sa kanilang bansa nang sumugod ang mga tao sa Bastille. Ang Bastille ay itinayo bilang tugon sa isang banta sa Pransiya.  Ang pagbagsak nito sa pamahalaang monarkiya ay sumisimbolo sa malaking pagbabago o ang pagkawasak ng lumang panahon sa Pransiya.  Isa ito sa mga pangyayaring naganap sa rebolusyong pranses kung saan ipinaglaban na ng mga mamamayan ang kanilang karapatang maging malaya sa hindi makatwirang pamumuno ng monarkal na pamahalaan. 




              
Nabuo ang Pambansang Asemblea noong 1779. Isa itong kasulatan ng deklarasyon ng karapatan ng mga tao. Ipinahihiwatig nito ang liberal na kaisipan. Nakapaloob dito na ang kapangyarihan ay nasa kamay ng mga tao. 


Ngayon, ang Republika ng Pranses ay isa nang unitaryong semi-pampanguluhan na republika na may matibay na tradisyong demokratiko.  


WIKA NG PRANSYA



                           


          French ang pangunahing wika ng 65.4 milyong mamamayan , ito rin ang opisyal nilang wika.Tinatayang tatlong porsyento ng populasyon ay nagsasalita ng German,nangingiba- baw ito sa mga probinsya sa silangan, at may maliit na pangkat na nagsasalita ng Flemish sa Hilagang-Silangan.Arabic naman ang ikatlong pinakamalaking wikang ginagamit.








         



                      Katoliko ang pangunahing relihiyon ng mga nakatira dito,tinatayang walumpung porsyento ang nagsasabi na sila ay katoliko.At ang ibang relihiyon naman ay Islam,Pro- testante at Juduaism.Ang mga taga-France ay malaki ang pagpapahalaga sa kanilang bansa at pamahalaan, karaniwan silang nagagalit kapag nakaririnig ng negatibong kumento tungkol sa kanilang bansa.Ang pag-uugali nilang ito ay karaniwang itinuturing ng mga turista lalo na ng mga Amerikano na kawalang galang.

Comments

  1. Very informative and very nice choice of words awesome blog!!

    ReplyDelete
  2. nc blog may natutunan ako salamat dito
    reppin from manggahan

    ReplyDelete

Post a Comment